歌词
Gawin natin tong mabagal relax lang at kalmado
Kahit ang nilalaman ay iiwanan kang baldado
Eskwalado to na parang lisensyadong arkitekto
Mga linyang diniretso sa sentido ang epekto
Elementong hinawakan sa mikroponong dala
Sinimento ang daanan naniguro kumbaga
Walang bakabaka-sakali o pagdadalawang-isip
Hindi maitutumba kahit na lumakas ang ihip
Ang disenyo pinulido gamit ko primera klaseng
Mga materyales di sa hula binabase
Inhinyerong nanigurong ito'y pag inatake
Dismayadong aalis mga ungas at putapeteng
Naglakas-loob harangan ang aking daraanan
Pasensyahan na lang tayo iiwanan kang basahan
Pupulutin sa kangkungan, tandaan nyo laging
Di magandang ideya makipagbanggaan sa buhawi
Marami ang nagtatanong gustong malaman ang sagot
Ngunit ang utak may kakulangan hindi makaabot
Tanong ay
Sino ka ba? Sino ako?
Sino ka ba? Ako si Xyclone!
Marami ang nagtataka mga pusong binabagabag
Mga isip na namamangha't di maipaliwanag
Teka
Sino ka ba? Sino ako?
Sino ka ba? Ako si Xyclone!
Kasado na mga kargada, sasabak na sa gyera
Kahit walang hinete lalamunin ang karera
Magisip-isip na muna bago makipag-sagupa
Wag tanga, hintayin munang ang bagyo ay humupa
It's 20-19 na may istilong makaluma
Bumabayong handog ngayon sinong gustong mauna
Mga nanghimasok hindi makakalabas
Dito sa mundo ko ako ang hari at batas
Maaning sa paglabas ng mga sandatang pantibag
Damahin mo ang lakas ng mga talatang nalimbag
Lahat ng kaalyado, walang makaka-buwag
Anak ni Darmo Kandado mula sa Kampo ng Bulag
Mga palalo, silang kulang sa palo at umbag
Mga barang panapos sa mga hunyango at duwag
Pupulutin sa kangkungan, tandaan nyo laging
Di magandang ideya makipagbanggaan sa buhawi
Marami ang nagtatanong gustong malaman ang sagot
Ngunit ang utak may kakulangan hindi makaabot
Tanong ay
Sino ka ba? Sino ako?
Sino ka ba? Ako si Xyclone!
Marami ang nagtataka mga pusong binabagabag
Mga isip na namamangha't di maipaliwanag
Teka
Sino ka ba? Sino ako?
Sino ka ba? Ako si Xyclone!
Marami ang nagtatanong gustong malaman ang sagot
Ngunit ang utak may kakulangan hindi makaabot
Tanong ay
Sino ka ba? Sino ako?
Sino ka ba? Ako si Xyclone!
Marami ang nagtataka mga pusong binabagabag
Mga isip na namamangha't di maipaliwanag
Teka
Sino ka ba? Sino ako?
Sino ka ba? Ako si Xyclone!
专辑信息
1.Hello
2.Back to the Streets
3.Pinoy MC
4.Estudyante Ng Laro
5.Apir!
6.Lumang Bagsakan
7.My Time
8.Tayong Dalawa
9.Munting Prinsesa
10.Sino Ka Ba