Estudyante Ng Laro

歌词
Ayusin ang sarili mo unahan ang tilaok
Bantayan pagkat marami ang bulaan sa pinasok
Mong paaralan, payabangan, paandaran ang tema
Parabagang kalaban ang lahat ng nasa eskwela
Kwela-kwela di mawawala ngunit ang kasabay
Nito'y mga bagito'y kinakain ng buhay
Pinilit gumuhit na pahirapang makatapos
Sumingit, pumunit harap-harapang nilamukos
Hinilamos ang sarili kong laway pati na luha
Hinalo ang takot sa away, mga di nakuhang marka
Asignaturang palya, nakalimutang takda
Nakaalpas sa aking unang balya
Pilit kang magtino, ngunit ang katotohanan
Mga utak baliko't maraming kupal sa daanan
Anong karanasan ay ang mainam na guro
Pakinggan ang mundo marami yang maituturo
Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro
Ngayon pumili ka anong sandata mo
Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo
Kahon-kahon na plaka o mikropono
Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro
Ngayon pumili ka anong sandata mo
Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo
Kahon-kahon na plaka o mikropono
Pumapasok, lumalaban na ang ating dala
Papel at panulat na paubos na ang tinta
Sinita ka sa pintuan kasi di ka kilala
Rehistradong estudyante pamukha sa kanila
Kahit na sinong ignorante di nakakaalam
Mga inggrato't aroganteng ulo ay kumakalam
Hangin lamang ang laman sa loob ng mga bungo
Lumulobong mga ulong di na makatungo
Payukod mang maglakad ay di nangangahulugan
Ako'y magiging talunan, handang makipagtulungan
Pisikalan sa bulungan hindi ka sunud-sunuran
Kung magkakadurugan alamin ang kahulugan
Ano ang pinag-aralan? Basahin ang panuto
Kahit tinatakalan asamin mo ang matuto
Sumaludo sa mga nakahanda sa'yong magturo
Respeto kailangan upang makaabot sa dulo
Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro
Ngayon pumili ka anong sandata mo
Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo
Kahon-kahon na plaka o mikropono
Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro
Ngayon pumili ka anong sandata mo
Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo
Kahon-kahon na plaka o mikropono
Sadyang ganyan ba sa eskwela
Kung sino pang nag-iisip ay sya pang madalas
Gawing tapunan ng pakwela, patuloy ang paghanga
Na nilamon ng sistema
Nakakawang pagmasdan ang mga estudyante mong tinatawanan ng iba
dahil sa pagkaradikal nila
Pag-iisip na madalas iba sa mundo
Para saan pang mga utak sa loob netong bungo
Magpabibo ka't pumorma ka lang ng nakakasilaw
Ibigay mo lang palagi kanilang sinisigaw
Humiyaw ka lang dyan kahit walang katuturan
Maingay talaga ang lata pag wala itong laman
Di bale ng maging paksa ng lahat ng panunukso
Basta't alam kong ang ginagawa ko ay ang gusto ko
Mga pundasyon na kinakatawan ko
Ay hindi pababayaan na pagtawanan ninyo
Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro
Ngayon pumili ka anong sandata mo
Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo
Kahon-kahon na plaka o mikropono
Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro
Ngayon pumili ka anong sandata mo
Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo
Kahon-kahon na plaka o mikropono
Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro
Ngayon pumili ka anong sandata mo
Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo
Kahon-kahon na plaka o mikropono
Ako'y mag-aaral ng eksena, estudyante ng laro
Ngayon pumili ka anong sandata mo
Mga lata ng pintura, pag-indak ba sa bayo
Kahon-kahon na plaka o mikropono
Ng mga walang kwenta
专辑信息
1.Hello
2.Back to the Streets
3.Pinoy MC
4.Estudyante Ng Laro
5.Apir!
6.Lumang Bagsakan
7.My Time
8.Tayong Dalawa
9.Munting Prinsesa
10.Sino Ka Ba