歌词
Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata
Handang pagsumikapan at hawakan ang panata
Para sa kultura at sa kanyang adhikain
Ako'y isang Pinoy MC
Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata
Handang pagsumikapan at hawakan ang panata
Para sa kultura at sa kanyang adhikain
Ako'y isang Pinoy MC
Ilang kwaderno na nga bang inubos ko para lang ang
Dating bagitong makatang ito'y mistulang sandatang
Pang-harabas hinasa, para manabas isa ka
Sa mababawas sa pila, anumang lakas ay halika
Manunula mula pa taong 2001
Hinuhulaan mo pa lang ang iyong kapupuntahan
Kaso nga lang dito satin ay may kaibahan
Ang pagtingin sa gaya naming di maintindihan
Ano bang mali sa pagiging emcee ko sa edad na trenta
Ano ngayon kung hindi na bumibenta
Tingin mo sa kagaya namin walang kwenta
Humanap ka na lang kausap mo, eto singkwenta
Di kami sikat, lalong di kami kilala
Di kami angat, ngunit pilit na hinihila
Dapat pang habaan ang iyong pisi
Dahil dito sa Pinas mahirap maging emcee
Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata
Handang pagsumikapan at hawakan ang panata
Para sa kultura at sa kanyang adhikain
Ako'y isang Pinoy MC
Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata
Handang pagsumikapan at hawakan ang panata
Para sa kultura at sa kanyang adhikain
Ako'y isang Pinoy MC
Kapag magpapakalalim ay sasabihang manggagaya
Wag sasama sa amin yan ay kung di mo naman kaya
Lahat ng pangungutya at mga pambubuska
Kung hindi mo masikmura siguradong ubos ka
Tapos ka, sa mga matang mababaw tumingin
Ibuhos mo man lahat di ka pa rin papansinin
Kung hindi mo sila kaya na pakiligin
Kung hindi mo sila kaya na pasayawin
Kaya naman lalo tuloy na pumapanget ang tingin
Dahil akala ng lahat yan lang kayang gawin
Ng musikang ito, na pinagmamalaki ko
Minahal ko ng buo
Kaya naman wala akong pakealam ano man ang sabihin
Hip-Hop pa rin ako, yan hanggang sa bawiin
Na ng Diyos na maykapal ang buhay na ibinigay
Ang talento kong taglay dito pa rin iaalay
Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata
Handang pagsumikapan at hawakan ang panata
Para sa kultura at sa kanyang adhikain
Ako'y isang Pinoy MC
Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata
Handang pagsumikapan at hawakan ang panata
Para sa kultura at sa kanyang adhikain
Ako'y isang Pinoy MC
Kung wala kang labsong walang makikinig sayo
Kapag puro labsong baduy naman tingin sayo
Jejemon, bisaya, jologs, ano pa?
Iba kami sa kanila wag nyo kaming ikumpara
Kumbaga marami lang ang gusto lang na makiuso
Pero kapag kakilala madalas umaabuso
Naglabas ng ilang libo sa artistang di kilala
Pagkatapos pag sa kapwa libre pa gustong makuha
Pambihira, paano tayo aasenso pag ganyan
Barya na nga lang di pa mapagbigyan
Pamasahe na nga lang kung minsan abunado pa
Pagkatapos kumanta kami nama'y tablado pa
Kahoy ang entablado, ang mic dispalinghado
Kapos ang hininha mga barang kinabisado
Kahit paano sana ay matutunang tangkilikin
Dahil tulad ng iba, ito'y sariling atin

专辑信息