Sama-Sama

歌词
sama-sama tayo, kapit bisig sa pagsulong
sama-sama tayo, abante wag uurong
simulan na sa isang pampagana lakasan ang bagsakan
pagpupugay ng husto ang alay ko sa larangan
nabubuhay ang dugo ng pinanday sa lansangan
(sino ba to??) Xyclone! tandaan ang pangalan
ilang pahaging tiniis ko ang hapdi at sakit
isang patpating liriko na tinakwil ang bait
ako'y gutom sa pagkakataong makapaghayag
anyong lulong at nababaon sa paglalayag
aking sagisag, bandila, saan ang patutunguhan
aking diwa at dila ang sandata na tutulungan
sinumang may kagustuhan, inulan man sa umpukan
wala ka patutunguhan, kung wala kang nasusubukan
kaya, ipunin ang katangunan, sa kalaunan
nasa utak mo lang ang kasagutan sa lalamunan
ay naglulan, nagtalunan na sa unang pagbitaw
ang sigaw sa katapangan ang tanging mapagkukunan ay ikaw
ihakbang mo lang ang kanan pagkatapos kaliwa
ulit ulitin mo kahit na magkasaliwa
maniwa lang hindi pa ito ang katapusan
naiba ang paikot ngunit ang hahantungan
mag-isa ang tingin mo sa iyong paglalakbay
ng tignan ang buhangin naipon sa iyong kamay
ang iba na naghahangin ayaw magpasabay
halika kahit na parehas tayong may saklay
ang pilay ay di dapat tumitigil sa pag-usad
mamigay ng pag-asa kahit malas ang bumungad
pagtibay in ang tapang malayo man sa hinagap
mag-ingay alang-alang sa tulad mong may pangarap
mangisay man sa takot ay wag kang magpapapigil
sakin ay nakabalot ang sagarang panggigigil
makilala'y hindi ko hinahabol ang sa akin
pagtibayin pa natin at lalo pang pagyamanin ang kultura
hindi nyo siguro inakalang pwede pala na pagsabayin
magkaiba man ating tunog ang ating kultura'y iisa pa rin
napakasarap namang marinig musikang rap ay pandaigdig
hindi man tanggap at nanginginig pa rin ang iba na dinadaig
nauunahan lang, ng ideya na, puro kabastusan
puro kalokohan at walang katuturan
kung ganyan eto na lang ang aking alay sa lahat
hindi porket yan ang sikat ay puro anay na lahat
madami pang nais na panatilihin ang likha ay dekalidad
sa aking pagtangis nais sabihin pagkaiba ng ating edad
ay di basehan o ang batayan nagkagirian na sa katayan
sukatin man natin sa nilalaman sino ang may kaya na mapantayan
alamin mo ang ugat na iyong tinutungtungan
galangin mo at itaguyod ang lahat ng sinundan
lahat naman tayo ay namuhunan, di lang ikaw, di lang ako
inabot na natin to na ganito, wag nating hayaang gumuho pa to, at maging abo
专辑信息
1.Malaya
2.Sama-Sama