歌词
magdesisyon, gumalaw, umawit, kumilos, musika
isara mga mata palawakin ang isipan, kahit na mahipan di magpapaiwan
kahit mag-isa ay pilit pagsisikapan, di mapipigilan kahit mahirapan
ako ay ibong malaya sa langit
ako ay malayang mang-aawit
ano ang gagawin mo, sa mga haharapin mo
ano ang mararating mo, ito ba'y tatanggapin mo
sa bigat ng mga bumangga pilit pabagsakin to
ikaw lang ang gumawa iba ang nagsabi sayo
kamay mo ang nadungisan noo mo'y pinagpawisan
paa mo ang naputikan puso mo'y pinagpaliban
sisigaw yan at tatawag hindi yan mananahimik
bibitaw ka sa paghawak pagpinta gamit ang titik
pakikinggan mo ang buyo ng mga hindi ka kilala
ng mga isipan na tuyo alipin lang ng sistema
paligid ay nakatengga sa agos na nakalinya
walang gusto na sumira sa daloy ng asembliya
oo, tayo'y bahagi, kasapi lang sa pamilya
ngunit iwasan na maging pyesa ng makinilya
bahagi ng makinarya, payaso sa perya
panatilihin ang isipan na malaya
lumipad ka, at tanawin mo ang lahat
mula sa himpapawid kung san payapa ang lahat
lumangoy ka sa ulap sabayan ang mga ibon
ang panaghoy at ang hirap ilang taon mong inipon
hayaan mo na mahulog at bumagsak to sa lupa
magsisilbing ulan ang mga pumatak na luha
aaminin ko, lahat ito'y nakakalula
kaso nakakangalay tumingala mula sa lupa
hindi mo kaya to at imposible yan
hindi ka pwede dito hindi ka pwede dyan
walang resultang mangyayare o mararating yan
minsan nakakalito hindi maintindihan
iba ka, iba ako, iba tayo sapagkat
kung saan ka magaling, ay baka dun ako salat
meron kang nagagawa na hindi kaya ng iba
palakasin ang isipan na malaya
meron akong nais ibahagi sating mundong mapanuri
dahil aking di mawari bakit ba iisang uri
inyong pinapakinggan, inyong nais na tignan
pili lang at iilan ano kayang dahilan
ang mga letrang isinulat o maangas na tunog
itsura't pananamit datingan ng tumugtog
kung gumawa ka muna ng gantong uri ng kanta
yun ay kung gusto mong sumikat at mapansin nila
hindi ko to maunawaan pagpasensyahan nyo na
sino ba ang limitado ngayon sa ating dalawa
ikaw ba na ang hanap lang ay isang tipo ng kanta
o ang sumulat na iba't ibang mensahe ang dala
yan ang mundo mo, ito ang mundo ko
hindi ako papasok dyan at ayaw mong pasukin to
walang tama walang mali, kundi ang pagkaka-iba
magpapatuloy lang ang musikang malaya
专辑信息