Tag-Araw (From "Miracle In Cell No. 7")

歌词
Ikot ng mundo, tila ay bumabagal
Ngunit alam kong 'di na rin magtatagal
Ang aking hinihintay ay makakamit
'Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit
Pilitin man ay 'di mo na mapipigil
Ang kanyang pag-ahon, ang kanyang pag-gising
Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pag-sapit ng tag-araw
Sana ang init mo'y aking maramdaman
Araw na nagdaan ay 'di ko na mabilang
Sa 'king paghihintay, ako'y nasasabik
Pinapanalangin na ang 'yong pagbabalik
Huwag mo na sana sa aki'y ipagkait
Ang tanging hangarin na ika'y makapiling
Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pag-sapit ng tag-araw
Hanggang kailan kaya ako maghihintay
Upang ang tag-araw sa akin ay kusa nang ibigay
Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw

Ng tag-araw, ng tag-araw
专辑信息
1.Tag-Araw (From "Miracle In Cell No. 7")