
歌词
Darating din ang umaga
Na ako ay masaya
Darating din ang panahon
Kalungkutan ay maibabaon
Sa pag-usad ng umaga sa bukang-liwayway
Baon ang pag-ibig na aking taglay
Unti-unting bubuuin ang pag-ibig na nawalay sa akin
Iingatan na ang puso ko sa sakit na dala ng mundo
Babangon na ako sa pagkahimlay
Dadalhin ang pag-asang ikaw ang nagbigay
Darating din ang umaga
Ngingiti at tatawa
Darating din ang gabing
Makakatulog na ng mahimbing
Sa pag-usad ng umaga sa bukang-liwayway
Baon ang pag-ibig na ikaw ang nagbigay
Unti-unting bubuuin ang pag-ibig na nawalay sa akin
Iingatan na ang puso ko sa pait na dala ng mundo
Babangon na ako sa pagkahimlay
Dadalhin ang pag-asang ikaw ang nagbigay
Babangon na ako
Babangon na ako
Babangon na ako
Babangon na ako
Unti-unting bubuuin ang pag-ibig na nawalay sa akin
Iingatan na ang puso ko sa sakit na dala ng mundo
Unti-unting bubuuin ang pag-ibig na nawalay sa akin
Iingatan na ang puso ko sa sakit na dala ng mundo
Dumating na ang umaga
Ako ngayon ay masaya
专辑信息