Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko

歌词
Bakit kaya tuwing Pasko ay dumarating na
Ang bawat isa′y para bang namomroblema
'Di mo alam ang regalong ibibigay
Ngayong kay hirap na nitong ating buhay
Mayro′n pa kayang karoling at Nochebuena?
Kung tayo naman ay kapos at wala nang pera
Nakakahiya kung muling pagtaguan mo
Ang 'yong mga inaanak sa araw ng Pasko
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana ay maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko
Mabuti pa nga ang Pasko noong isang taon
Sa ating hapag, mayroong Queso de Bola't hamon
Baka sa gipit, "Happy New Year", mapo-postpone
At ang hamon ay mauuwi sa bagoong
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana ay maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana ay maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko
Tuloy na tuloy pa rin (tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin (tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko
专辑信息
1.Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko