Paulit-ulit - Stripped Version

歌词
Isang gabi na magkatabi
hindi ko na alam kung kaya ko pa bang umuwi
Humingang saglit, tumingin sa iyong mga labi habang ang iyong mga kamay nakapilipit sa akin
Ikaw lang ang pansin at laman ng utak ko hanggang sa panaginip
Saan mo man ako dalhin di ako magsisisi
Sana ay kaya mong basahin ang laman ng aking isip
kapag nag iba ang ihip ng hangin
Di alam ang gagawin
Sana ay wala nang bukas pang nangyari
Ayoko nang matapos ang gabi
Kahit pa matunaw ang mga bituin sa langit
Wala na akong iba pang hihilingin
Kundi makita kang muli na nakangiti sakin
Ilang hakbang papalayo
Mga binatawan mong salita bumaon sa aking dibdib
hinde ako mapakali
parang isang hampas na tumama sa aking
pisngi
ikaw lang ang pansin at laman ng utak ko hanggang sa panaginip
Sumama ka nalang sa hangin
Ayokong masisi
Sana ay kaya kong basahin ang laman ng iyong isip
Kapag nagiba ang ihip ng hangin
Wag mo akong iiwanang bitin
Sana ay wala nang bukas pang nangyari
Ayoko nang matapos ang gabi
Kahit pa matunaw ang mga bituin sa langit
Wala na akong iba pang hihilingin
kundi makita kang muli na nakangiti sa akin
Tanging hiling ko lang naman
Na makasama kang muli
At sabay na tayong uuwi
At sabay na tayong uuwi
parang Isang kantang di mawaglit
Boses mo lang laging naririnig
Di nabibingi sayong tinig
Paulit ulit ko tong naririnig..
专辑信息
1.Paulit-ulit - Stripped Version