歌词
Araw araw ikaw ang gusto kong kasama
Buhay ko'y kumpleto na
tuwing nandidito ka
Sa tabi ko o aking giliw
di pa din ako makapaniwala
Na ang dati kong pangarap
ay katotohanan na
Ikaw ang tanging inspirasyon
At basta't nandito ka ako'y liligaya
Dahil sa'yo ako'y matapang
Dahil sa'yo ako'y lalaban
Para sa'yo pagmamahal na walang katapusan
Dahil sa'yo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat
Para sa'yo pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat
para lang sa'yo sinta
At basta't nandito ka ako'y liligaya
Minuminuto naghihintay ng tawag mo
Marinig lang boses mo masaya't kuntento na ko
Wala ng iba pang hahanapin
basta't ikaw ang aking kapiling
Lahat magagawa
dahil kasama ka
Ikaw ang tanging inspirasyon
At basta't nandito ka ako'y liligaya
Dahil sa'yo ako'y matapang
Dahil sa'yo ako'y lalaban
Para sa'yo pagmamahal na walang katapusan
Dahil sa'yo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat
Para sa'yo pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat
para lang sa'yo sinta
At basta't nandito ka ako'y liligaya
Ipinagdarasal ko ng sobra na sana'y tanggapin mo aking inaalay
Na pasasalamat sa pagliliwanag ng
buhay kong ito Na dati rati'y di ganito na kay ligaya
Oh tanggapin ang regalo
Oh mga rosas at choco
Liliwanag din ang buhay mo pag nilabas ko na ang puso ko
Ikaw ang tanging inspirasyon
Sa bawat araw na haharapin
Gagawin ko ang lahat
para lang sa'yo sinta
At basta't nandito ka ako'y liligaya…
Dahil sa'yo ako'y matapang
Dahil sa'yo ako'y lalaban
Para sa'yo pagmamahal na walang katapusan
Dahil sa'yo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat
Para sa'yo pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat
para lang sa'yo sinta
At basta't nandito ka
ako'y liligaya