歌词
Nakapila na nang mahaba
Umalis pa naman nang maaga
'Kala ko araw ay sira na
Nang bigla kang makita
Binibining kay ganda
Tulala nang panandalian
Sa mga pasaherong nag-uunahan
Oh, kuyang gwardiya
Pasens'ya na, hindi ko namamalayang
Nakatapak na 'ko sa Yellow Line
Alam ko na delikado
Parang puso kong ito
Nabibighani sa tabi ng isang
Marikit na binibini
Mula sa Buendia Station
Solo mo aking attention
Paligid ay nag-slow motion
Nang makita kita
'Di ko alam ang iyong pangalan
O lugar na patutunguhan
Pwede ba kitang samahan
Kahit na saan pa 'yan?
Oh, binibining nasa MRT (hey!)
Miss, ayan na ang susunod na tren
Naku miss, I'm sorry
Nakasiksik ka sa akin
Pero 'wag mag-alala
Po-protektahan kita
Sa mga nagtutulakang mga ate at kuya
Hahanapan ka ng upuan
Bisig ko'y pwedeng kapitan
Ituturo ko ang side na bubukas sa bawat station
Parang langit lang ang nararamdaman
Nang bigla nang umandar ang tren
At ako'y iyong nasandalan
Oh, yeah!
Mula sa Buendia Station
Solo mo aking attention
Paligid ay nag-slow motion
Nang makita kita
'Di ko alam ang iyong pangalan
O lugar na patutunguhan
Pwede ba kitang samahan
Kahit na saan pa 'yan?
Oh, binibining nasa MRT (hey!)
Basta manatiling nakahawak sa mga railing
Pero kung ika'y ma-out of balance, okay lang
Nandito naman ako, nasa tabi mo
'Wag mag-alala
Dahil sasaluhin kita (sasaluhin kita)
Hanggang Trinoma
Hanggang Trinoma
Mula sa Buendia Station
Solo mo aking attention
Paligid ay nag-slow motion
Nang makita kita
'Di ko alam ang iyong pangalan
O lugar na patutunguhan
Pwede ba kitang samahan
Kahit na saan pa 'yan?
Oh binibining nasa MRT (hey!)
Binibining nasa MRT (hey!)
5, 6, 7, 8!