歌词
Mundo'y walang kasing dakila
Kung may nagmamahal
Lupa'y magiging langit
Kung pag-ibig ang laan
Kung ang bawat puso ay magbibigay sa sinuman
Ang pag-asa'y ating makakamtan
Sa Paskong ito
Sa kapwa'y ibahagi
Ang tunay na pag-ibig sa lahat
'Di ba't Pasko'y pag-ibig
Lupa ay gawin mong langit
Ang pag-asa sa kapwa'y ihatid
Huwag mong isipin na ika'y laging nag-iisa
Sa bawat sandali kaming
Laging makakasama
Yaman at karangyaay bahagi mo sa kanila
Nang makamit ang tunay na ligaya
Sa Paskong ito
Sa kapwa'y ibahagi
Ang tunay na pag-ibig sa lahat
'Di ba't Pasko'y pag-ibig
Lupa ay gawin mong langit
Ang pag-asa sa kapwa'y ihatid
Walang kasing dakila ang pagmamahal
Kung ito'y mula sa puso at bukal
Ang araw-araw ay ba't 'di gawing Pasko
Nang ligaya ang maghari sa mundo
Sa paskong ito
Sa kapwa'y ibahagi
Ang tunay na pag-ibig sa lahat
'Di ba't Pasko'y pag-ibig
Lupa ay gawin mong langit
Ang pag-asa sa kapwa'y ihatid
'Di ba't Pasko'y pag-ibig
Lupa'y gawin mong langit
Ang pag-asa sa kapwa'y ihatid...