歌曲 / 歌词

Minsan - Lang Ako Umibig

Listen on Apple Music

歌词

Minsan lang ako umibig at 'yan ay para sa 'yo
Hangad ang paligayahin ka at 'yan ay maaasahan mo
Kaya't sundan ang bahaghari at ako'y naroroon
Hanap, hahanap-hanapin ka
Ang mga halik mo't mga yakap mo t'wina
Minsa'y nagalit ka sa akin
Wika mo pa nga'y, "Ayoko na sa 'yo"
Hangad ng puso ko't damdamin
Sinaktan mo na 'ko, ngunit nandirito pa rin ako sa 'yo
Kay sarap pagmasdan ang tangi mong kagandahan
Lalo na't malamig at umuulan
Kaya't hahanap-hanapin ka, tulad sa bahaghari
Sa gabi nama'y sa liwanag ng buwan
Minsan lang ako umibig at 'yan ay para sa 'yo
Hangad ang paligayahin ka at 'yan ay maaasahan mo
Kaya't sundan ang bahaghari at ako'y naroroon
Hanap, hahanap-hanapin ka
Ang mga halik mo't mga yakap mo t'wina
Kay sarap pagmasdan ang tangi mong kagandahan
Lalo na't malamig at umuulan
Kaya't hahanap-hanapin ka, tulad sa bahaghari
Sa gabi nama'y sa liwanag ng buwan
Kay sarap pagmasdan ang ating pagmamahalan
Lalo na't malamig, maliwanag ang buwan
Kaya't hahanap-hanapin ang sumpa mo sa akin
Na wagas na pag-ibig mo
Ang pag-ibig mo
Ang pag-ibig mo, ooh
Ooh, kay sarap, oh, kay sarap
Oh, kay sarap, kay sarap
Ooh-ooh, ooh-ooh, ng pag-ibig mo