歌词
Siguro nga masyadong mabilis ang pagyanig
Siguro nga ako ay makulit, ayaw makinig
Hindi ko maipilit
Siguro nga masyadong mabilis ang pagyanig
Ng puso ko, para sa puso mo
Siguro nga ako ay makulit, ayaw makinig
Sa takbo ng isip, hindi ko maipilit
Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa 'yong mga ngiti
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang ng mahigpit aabutin natin ang mga tala
Tala, tala, tala
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala
Maaaring kinabukasan ay mag-iba ng
Ihip ng iyong ninanais
Ngunit maaari bang kahit na pansamantala lang
Ikaw muna'y maging akin?
Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa 'yong mga ngiti
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang ng mahigpit aabutin natin ang mga tala
Tala, tala, tala
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala
(One, two, let's go)
♪
Hindi man ako nilagay sa mundong ito para sa iyo
Para nang akin ang buong daigdig
Para sa yakap mo, oh