歌词
Kapirasong langit, sa lupa'y nahulog
Kinandong ng dagat sa dibdib binusog
Liwanag sa gabi buwan nang nagsabog
Hangin na kay lamig ang nagpapatulog
Nakikita kita, kahit na kapikit
Yakap-yakap kita, 'pag na nanaginip
Diwang lumilipad, may pakpak ang himig
Ang awit na ito ay galing sa dibdib
'Pag nanalamin sa tubig na krystal
Laging ang ganda mo ang nangingibabaw
Oras ko ma'y bilang, papa'no ka iiwan?
Ako'y nagbabalik, isang kaway mo lamang
Mahal kay ganda mo, mahal ika'y tukso
Nunal na maganda sa pisngi ng mundo
Awit ng sirena, tagong paraiso
Labi ng mahal ko na kay bango-bango
Kapirasong langit, sa lupa'y nahulog
Kinandong ng dagat sa dibdib binusog
Liwanag sa gabi buwan nang nagsabog
Hangin na kay lamig ang nagpapatulog
Nakikita kita, kahit na kapikit
Yakap-yakap kita, 'pag na nanaginip
Diwang lumilipad, may pakpak ang himig
Ang awit na ito ay galing sa dibdib
'Pag nanalamin sa tubig na krystal
Laging ang ganda mo ang na ngingibabaw
Oras ko ma'y bilang, papa'no ka iiwan?
Ako'y nagbabalik, isang kaway mo lamang
Mahal kay ganda mo, mahal ika'y tukso
Nunal na maganda, sa pisngi ng mundo
Awit ng sirena, tagong paraiso
Labi ng mahal ko na kay bango-bango
Mahal kay ganda mo, mahal ika'y tukso
Nunal na maganda sa pisngi ng mundo
Awit ng sirena, tagong paraiso
Labi ng mahal ko na kay bango-bango
Labi ng mahal ko na kay bango-bango