歌词
At kung sakaling 'di na kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan, oh, oooh
Akong bahala sa iyo, hindi kita iiwan kailanman
Ano man pagdaan mo ay and'yan para hirap ay mabawasan
Paminsan-minsan ay kailangan din natin na nahihirapan
'Di madali na maranasan, 'wag kalimutang may kinabukasan
Pang dapat na silipin at alalahanin
Lahat ay kaya natin
At kung sakaling 'di na kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pabayaan, oh, oooh
Huminto, pwede kang magpahinga
Halika, pikit mo ang 'yong mga mata
Babalutin ang napaso (dala-dala)
Ang bigat sa iyong braso
Tatapusin ang takbo kahit malayo, oooh
Hay, ayos lang kung sumablay
Mayro'n kang kasabay
Lumingon ka sa tabi, "Hi", oh, oooh
At kung sakaling 'di na kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan, oh, oooh
Kung biglaan kang napagod at sa 'yong ulo'y napakamot
Tatandaan na may kahapon kang nalampasan at noong umaga'y nakabangon
At kahit na anong ibato sa'yo, 'wag kang yuyuko, taas ang noo
Bangon patayo, harapin mo 'to, malakas ka, baka nalimutan mo?
At kung sakaling 'di na kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan, oh, hmm
Kahit anong mangyari, kayang-kaya
Kahit anong mangyari, kayang-kaya
Kahit anong mangyari, kayang-kaya
Kayang-kaya, oh, oooh
Kahit anong mangyari (kayang-kaya)
Kahit anong mangyari (kayang-kaya)
Kahit anong mangyari, kayang-kaya
Kayang-kaya, oh, oooh