歌词
Pauwi na sa tahanan Mo.
Pabalik na sa Iyo.
Tanggapin at kupkupin,
Kapatid namin sa 'Yong piling.
Kami ma'y nalulumbay,
Siya ngayo'y naglalakbay.
Mga anghel ang gagabay
Tungo sa Iyong kamay.
Pauwi na sa tahanan Mo.
Pabalik na sa Iyo.
Tanggapin at kupkupin,
Kapatid namin sa 'Yong piling.
Ang lungkot, 'Yong pawiin.
Ang pait, 'Yong paghilumin.
Sa aming magkawalay,
Pag-ibig Mo ang tutulay.
Pauwi na sa tahanan Mo.
Pabalik na sa Iyo.
Tanggapin at kupkupin,
Kapatid namin sa 'Yong piling.
Pagkukulang, patawarin.
Kabutihan, huwag limutin.
Sa kamatayan, siya'y hanguin.
Buhay niya'y 'Yong ganapin.
Pauwi na sa tahanan Mo.
Pabalik na sa Iyo.
Tanggapin at kupkupin,
Kapatid namin sa 'Yong piling.