歌词
Inaamin ko
Ako'y nagkulang sa'yo
'Di binigyang halaga, ang 'yong damdamin
Binalewala ang lahat sa atin
'Di ko inakala na
Pagmamahal mo ay sadyang hindi nagbabago
Kahit paulit-ulit na sinasaktan, ang puso mo
Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako
Patutunayang muli
Itatama ang pagkakamali
Nasayang na panahon at pagkakataon
Ibabalik ko ang kahapon
'Di ko inakala na
Pagmamahal mo ay sadyang hindi nagbabago
Kahit paulit-ulit na sinasaktan, ang puso mo
Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako
Umaasa sa pangako mo
Na kailanma'y 'di susuko
At 'di ka lalayo
'Di ko inakala na
Pagmamahal mo ay sadyang hindi nagbabago
Kahit paulit-ulit na sinasaktan, ang puso mo
Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako
Kahit paulit-ulit na sinasakta ang puso mo
Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako