歌曲 / 歌词

Distansya

Listen on Apple Music

歌词

Ako'y mistulang bulaklak
Na di namumukadkad
Dahil sa tagtuyot
Uhaw ang talulot
Maari bang makahinging gamot?
O aking sinisinta
Halik mo'y medisina
Ngunit pano dadampi
Ang labi sa labi
Kung may namamagitan sa atin
Na distansya
♪
Bakas sa 'yong mukha
Na may bagyong nagbabanta
Ngunit pano tatawid
Ang pag-ibig na hatid
Kung ika'y wala sa king piling
Pamasahe ay handa
Bagahe ay dala
Ngunit ano pa ba'ng
Aking magagawa
Sa'yong tabi damang-damang-dama
Ang distansya