歌曲 / 歌词

Save Your Day

Listen on Apple Music

歌词

Mahirap sabihin to
Baka totohanin mo
Hindi ko pa kayang mag-isa
Pakikinggan ba kita
Ngayon na alam ko na
Ako rin ang siyang masasaktan
Mabuti pa kaya
Wag munang magsalita
Hintayin sandali
Ang luha'y masaid
Tapang ko'y manaig
Hintayin sandali
Tumibay ang dibdib
Hanggang kaya ko nang umalis
Parehas lang naman
Wala ko't nandito man
Meron bang pagkakaiba
Pero sana naman
Hiling ko ay pagbigyan
Wag muna sabihing tapos na
Hintayin sandali
Ang luha'y masaid
Tapang ko'y manaig
Hintayin sandali
Tumibay ang dibdib
Hanggang kaya ko nang umalis
Bigyan pa nang panahon
Pwedeng wag muna ngayon
Hintayin sandali
Ang puso'y mag manhid
Sa hapdi na hatid
Hintayin sandali
Hanggang sa masambit
Na kaya ko na
Pipikit lang saglit
Iisipin ko pa
Wag nang mag alala
Baka kaya ko nang umalis