歌词
Tinatahak ang unang sinag ng umaga
Bumabaliksa salubong ng aplaya
Ang makina ay tila humuhuni
Kasabay na umaawit din ang huli
Ang aking talambuhay ay hinahabi ng lambat
At ang hanging dumadaloy sa baga ko ay alat
Sayaw ng katig at alon ang nagdidikta ng bukas
Palad ay sumasabay sa bawat dalum at hibas
Tanging makina ang bumasag sa kalmada
At walang sumasagot sa kaniyang paanyaya
'Di kawangis ng kahapon ay tila nagdadamot
Ngayo'y damang-damang ligalig ng puso ng laot
Ang aking talambuhay ay hinahabi ng lambat
At ang hanging dumadaloy sa baga ko ay alat
Sayaw ng katig at alon ang nagdidikta ng bukas
Palad ay sumasabay sa bawat dalum at hibas