歌词
Eto na naman ako, oh-oh
Nakatulala
Ang puso'y nalilito, oh-oh
'Di maintindihan
Ano ba ang dapat gawin
Ipaglaban o iwanan ang damdamin?
Sana malinawan na ako
Sana masagot na ang tanong
Paano ba kalimutan
Mga panahong pinatibok 'tong puso ko?
Ayokong malaman na ako ay nagkulang
Sabagay, eto lang ang kaya kong ibigay sa 'yo
Ang magmahal sa 'yo ng totoo
Lagi na lang ganito
Nahihirapan
At laging humihinto
Mga kamay ng orasan
Bakit ba ang hirap gawin
Ang iwasan ka't di na muling isipin?
Lahat ay nagawa para sayo
Ngunit wala paring nagbabago
Paano ba kalimutan
Mga panahong pinatibok 'tong puso ko?
Ayokong malaman na ako ay nagkulang
Sabagay, eto lang ang kaya kong ibigay sa 'yo
Ang magmahal sa 'yo ng totoo
Bakit hindi itinadhana?
Bakit hindi pwedeng tayong dalawa?
Sana hindi na lang ako umasa
Pa'no ba kalimutan
Mga panahong pinatibok 'tong puso ko?
Ayokong malaman na ako ay nagkulang
Sabagay, eto lang ang kaya kong ibigay sa 'yo
Ang magmahal sa 'yo ng totoo
(Pa'no ba? Pa'no ba? Pa'no ba)
Pa'no ba kalimutan?
(Pa'no ba? Pa'no ba? Pa'no ba)
Pa'no ba kalimutan?