歌曲 / 歌词

Awit Ng Paghahagad

Listen on Apple Music

歌词

Oh, Diyos, Ikaw ang laging hanap
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga
Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring iaalay
Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
'Pagkat ang tulong Mo, sa t'wina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak
Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo
Kaligtasa'y t'yak, kung hawak Mo ako
Magdiriwang ang hari, ang Diyos, S'yang dahilan
Ang sa Iyo ay nangako, galak yaong makakamtan
Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
'Pagkat ang tulong Mo, sa t'wina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit, umaawit
Umaawit akong buong galak