歌词
Ito na ang panahon
Lahat nagsasama-sama
Nakahanda na ang hamon
Dama sa hangin ang saya
'Di makatulog sa pagbibilang ng oras
Ikaw na lang ang kulang
'Di makahintay sa bukas
Kahit na walang dala
Mahalaga ay nand'yan ka
Walang kailangan na bilhin
Ikaw lang ang hiling
Oh, sana lagi ay Pasko
Para dito ka sa piling ko
Araw-araw ang saya
'Pag nakakasama ka
Sana lagi ay Pasko
Para dito ka sa piling ko
Ilang buwang pagtitiis
Sana'y 'wag nang umalis
Nakaabang bawat taon
Lagi-laging nasasabik
Mga regalong nasa kahon
Tanging hiling 'yong pagbalik
Damit na bago
Aginaldo para sa'n?
Kung 'di naman makakasama 'wag na lang
Kahit na walang dala
Mahalaga ay nand'yan ka
Walang kailangan na bilhin
Ikaw lang ang hiling
Oh, sana lagi ay Pasko
Para dito ka sa piling ko
Araw-araw ang saya
'Pag nakakasama ka
Sana lagi ay Pasko
Para dito ka sa piling ko
Ilang buwang pagtitiis
Sana'y 'wag nang umalis
Pagmulat ng mga mata
Bigla na lamang nand'yan ka
'Di mapigilan ang ngiti sa 'yong pag-uwi
Oh, sana lagi ay Pasko
Para dito ka sa piling ko
Araw-araw ang saya
'Pag nakakasama ka
Sana lagi ay Pasko
Para dito ka sa piling ko
Ilang buwang pagtitiis
Sana'y 'wag nang umalis
Oh, sana lagi ay Pasko
Para dito ka sa piling ko
Oh, sana lagi ay Pasko
Para dito ka sa piling ko