歌曲 / 歌词

Ilog

Listen on Apple Music

歌词

Ang buhay ko ay isang ilog
Umaagos tungo sa laot
Sa pagdaloy ay lumiliko-liko
Ngunit dagat parin ang inaabot
♪
Ang buhay ko ay isang ilog
Umaagos tungo sa laot
Sa pagdaloy tayo'y nagkatagpo
At ngayon tayo'y magkaisang tunay
♪
Lilikha tayo ng bagong daan
Uukitin sa bato ang kasaysayan
At walang hadlang na di malalagusan
Habang tayo ay magkaisang tunay
♪
Lilikha tayo ng bagong daan
Uukitin sa bato ang kasaysayan
At walang hadlang na di malalagusan
Habang tayo ay magkaisang tunay
Habang tayo ay magkaisang tunay