歌词
Dinala ka namin sa bahay na puti
Kung saan makakapahinga ang 'yong mga damdamin
At doon sa kama, sabi mo, uwing-uwi ka na
Baka bukas makalawa, makauwi sana
Hinihingal ka, inakyat mo ang bulubundukin
Bawat hakbang, binibitawan ng kalungkutan
At doon sa tuktok, nakita mo ang bahay mo
Baka bukas makalawa, makauwi sana
'Di naman namin alam, ito na ang huling paalam
Kumapit ka sa kamay ng umaga at 'di na bumitaw
Uuwi ka na pala, uuwi ka na pala
Uuwi ka na pala, uuwi ka na pala
Umuwi ka na pala, umuwi ka na pala
Umuwi ka na pala, nakauwi ka na
Dinala ka niya sa bahay niya, bahay na puti
Kung saan makakapahinga ang 'yong mga damdamin