歌词
Wala na kong
Mahihiling pa
Ikaw lang ay sapat na
Dito sa buhay ko
Wala na kong
Hahanapin pa
Hindi ko hahayaan na
Mawalay ka pa
Di ko rin alam kung bakit pinagpala
Sa dami na ng ginawa kong kasalanan
Nung nakilala ka, mahal agad kita
Pangako sa sarili di ka bibitawan
Dati rati di na ko naniniwalang
Makakamit ko rin pala ang gantimpala
Dinadalangin ka, ngayon nandyan ka na
Harangin man nila hindi kita iiwanan
Nawalan na ng pag-asa
Ang buhay ko hindi ko rin to inakalang
Darating ka ngayon
Wala na kong mahihiling pa
Ikaw lang ay sapat na
Dito sa buhay ko
Wala na kong hahanapin pa
Hindi ko hahayaan na
Mawalay ka pa
Ikaw na sana habambuhay
'Pag nawala ka, buhay ay wala nang kulay
Gusto ko lang paligayahin ka
Hindi ka na luluha pa sinta
Handa ka bang libutin and mundo
Habang hawak palad ko, totohanin natin 'to
Habang kasama mo ako, di ka masusugatan
Hangad ko lang sa'yo and 'yong kaligayahan
Nawalan na ng pag-asa
Ang buhay ko hindi ko rin to inakalang
Darating ka ngayon
Wala na kong
Mahihiling pa
Ikaw lang ay sapat na
Dito sa buhay ko
Wala na kong
Hahanapin pa
Hindi ko hahayaan na
Mawalay ka pa
Wala na kong (wala na kong)
Mahihiling pa (mahihiling pa)
Ikaw lang ay sapat na (sapat na)
Dito sa buhay ko (ikaw lang sapat na)
Wala na kong (wala na kong)
Hahanapin pa (hahanapin pa)
Hindi ko hahayaan na (hahayaan)
Mawalay ka pa (mawalay ka pa)