歌曲 / 歌词

Laging Tapat

Listen on Apple Music

歌词

Tunay bang ako lang
Ang lagi mong iibigin?
Kung sa 'yo'y ibigay
Buong puso't damdamin
'Di ako makararanas
Na lumuha kahit minsan lang
'Di magsasawa, 'di magbabago
'Di maghahanap ng pag-ibig
Na papalit sa puso ko
Gan'yan ka sana, dahil gan'yan ako
Laging tapat at laging totoo
Sana'y 'di magwakas
Ang pagtitinginan natin
Araw man ay lumipas
'Di natin papansinin
'Pagkat walang ibang laman
Ang kapwa nating isipan
'Di magsasawa, hindi magbabago
'Di maghahanap ng pag-ibig
Na paplit sa puso ko
Gan'yan ka sana, dahil gan'yan ako
Laging tapat at laging totoo
Magkulang man magkaminsan
Talagang kasama iyan
Sa ating buhay
'Di magsasawa, 'di magbabago
'Di maghahanap ng pag-ibig
Na papalit sa puso ko
Gan'yan ka sana, dahil gan'yan ako
Laging tapat at laging totoo
Hoh-hooh-hooh-hoh
Laging tapat at laging totoo