歌词
Ang kulay puti, bughaw, dilaw, napalitan
Sinakop ng mga uwak ang kalangitan
Sa bigat ng kaulapan, parang uulan
At parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan
Sunod-sunod na pagsabog ng granada
Mga katawang nakahandusay sa kalsada
Mga mukha ay duguan, 'di na makilala
Gan'to pala ang tunay na kulay ni Kirara
Kahit sa'n ka tumingin, usok ang itim
Sa kapal, kaya n'yang takpan ang mga bituin
Isang kidlat, kasunod ng kulog
Kasabay ng isang malungkot na tunog
Teka, nasa'n 'yung iba? Ako lang ba ang natira?
Ako lamang mag-isa at hinahanap kita
Lubos na nagtataka, bakit 'di kita kasama?
Gan'to ang larawan ng aking mundo kapag wala ka, uh
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, lagi na lang nag-iisa
Anong kaguluhan 'to? Anong nangyari dito?
Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso
Kulay pulang anyo ng tubig, daanan ay maputik
Nasunog ang lahat ng palayan sa bukid
Galit ang hangin na sa akin ay humampas
Na nagdala sa'kin patungo sa isang talampas
Ahit na kagubatan, nakalbong kabundukan
Habang humahaba ang buhok ng kalungkutan
Dito namahay ang hari ng kadiliman
Pailalim makatingin at 'di ka titigilan
Tinanong ko't tinitigan, kung kailan s'ya lilisan
Mahal nya daw ang mundong 'to at 'di n'ya maiiwan
Puro ungol at sigaw ng mga kaluluwang ligaw
Hinahanap ay ikaw
Sad'yang nakakatakot ang pook na 'to 'pag 'di kita kasama
Gan'to ang larawan ng aking mundo kapag wala ka, uh
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, lagi na lang nag-iisa
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
'Di ba sabi mo babalik ka nang maaga?
Pa'no na'ko kung wala ka? Magsalita ka
Wala na 'kong liwanag na masipat
Sumuko na 'yung araw, ayaw nang sumikat
Ayoko na dito, gusto ko nang lumipat
Hayaan n'yong tapusin ko ang aking paghihirap
Nagkalat sa hangin ang amoy ng mga patay na kandila at mga rosas na lanta
Ang tanging tinig mo ang nais kong marinig
Hanap ang iyong yakap at bibig sa t'wing gan'to kalamig
Hindi, hindi ako susuko
Ako'y lalaban hanggang wala nang dugong tumulo
Kasi ikaw lamang ang tanglaw sa gabing mapanglaw
At sana sa pagdilat ko, ikaw ay matanaw
Pagkagising ko natagpuan ko ang sarili ko
Wala ka sa aking tabi't nalilito
Gan'to kagulo ang isip ko 'pag 'di kita kasama
Pa'no na'ko kung wala ka? Magsalita ka
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? (Ba't nag-iisa)
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? (Ba't nag-iisa)
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? (Ba't nag-iisa)
Kawawang nilalang, lagi na lang nag-iisa
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
'Di ba sabi mo babalik ka nang maaga?
Pa'no na'ko kung wala ka? Magsalita ka