歌词
Magtanim ay 'di biro
Maghapon daw nakayuko
'Di man lang makatayo
'Di na rin makaupo
Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig
♪
O pagkasawing palad ng binaon sa hirap
Ang bisig kung 'di iunat
'Di kumita ng pilak
Sa umagang pagkagising
Ang lahat iisipin
Kung saan may pananim
May masarap na pagkain
♪
Halina halina mga kaliyag
Tayo'y magsipag unat-unat
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas
Para sa araw ng bukas, yeah