歌曲 / 歌词

Wala Na Ang Init

Listen on Apple Music

歌词

'Di ako ang para sa 'yo
Tadhana lang ang nagtagpo
Tadhana rin ang naglayo
Kay sakit mang tanggapin
Na 'di ako ang papalarin
Na makakasama mo sa habang-buhay
Isisigaw na lang sa mga bituin at
Aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit sana ay dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa 'kin
Oh-whoa, oh-whoa
Oh-whoa, whoa-oh
Ako ang para sa 'yo
Pangako ng puso mo
Pangakong 'di na magkakatotoo
'Di na masasaktan pa
Sa kwento nating dalawa
'Di na makakarating na mahal kita
Ang lahat ng bigat ng damdamin
Lahat-lahat ay nais ko mang pawiin
'Di mo na maibabalik ang pag-ibig
Isisigaw na lang sa mga bituin at
Aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit sana ay dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa 'kin
Oh-whoa, oh-whoa
Oh-whoa, whoa-oh-oh
Oh-whoa, oh-whoa
Oh-whoa, whoa
Ako ang para sa 'yo ('di ako ang para sa 'yo)
Tadhana lang ang nagtagpo (tadhana rin ang naglayo)
Pangakong hindi na magkakatotoo
Isisigaw na lang sa mga bituin at
Aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit sana ay dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa 'kin
Oh-whoa, oh-whoa
Oh-whoa, whoa-oh-hoh
Oh-whoa, oh-whoa
Oh-whoa, whoa
Wala na ang init (wala na ang init)
Wala na ang init ng ating pag-ibig