歌曲 / 歌词

Hanggang

Listen on Apple Music

歌词

Ilang ulit mo nang itinatanong sa 'kin
Kung hanggang saan
Hanggang saan, hanggang kailan
Hanggang kailan magtatagal ang aking pagmamahal
Hanggang may himig pa akong naririnig dito sa 'ting daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay, kita'y iniibig
Giliw 'wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
At nais kong malaman mo kung gaano kita kamahal
Hanggang ang diwa ko tanging sa 'yo laan Mamahalin kailanman
Hanggang pag-ibig ko'y hanggang walang hanggan
Tanging ikaw lamang
Hanggang may himig pa akong naririnig dito sa 'ting daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay, kita'y iniibig
Giliw 'wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
At nais kong malaman mo kung gaano kita kamahal
Hanggang may puso akong marunong magmahal
Na ang sinisigaw ay lagi nang ikaw
Hanggang saan? Hanggang kailan?
Hanggang kailan kitang mahal?
Hanggang ang buhay ko'y kunin ng Maykapal
Giliw wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
Hanggang may pag-ibig, laging isisigaw, tanging ikaw
Hanggang may pag-ibig, laging isisigaw
Tanging ikaw