歌词
Minsan, parang 'di pag-ibig ang sagot
Kahit na sa pag-iisa ay nababagot
Aanhin ko ang paghahanap ng magmamahal
Kung sa sarili ko ay 'di pa masaya
Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang ako muna
♪
Minsan, alam kong lungkot ay kakatok
Ngunit kailangan kong tatagan ang loob
Aanhin ko ang pagbibigay ng pagmamahal
Kung ang sarili ko'y mapapabayaan
Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang (ako muna)
Paano 'ko magmamahal
Kung 'di ko kayang mahalin ako?
Ngayon, bukas, mapapagod din lang
Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna para sa akin
Mabuti pang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang ako muna
♪
Ako muna