歌词
Minsan para bang walang katuwang
Wala ring makapitan
Nag-iisang lumalaban at para bang
Ika'y napanghihinaan
Parang tumigil ang daigdig sa paggalaw
At tila ba nais mo na lamang na bumitaw
Whoa-oh, ngunit lahat nang 'to ay malalampasan
Whoa-oh, hindi Niya tayo iiwan
'Wag nang malulumbay, itong pagsubok ay sadyang kayang-kaya
'Di man hawak-kamay, ang puso natin ay laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo, manalangin at 'wag susuko
Tayo ay magtatagumpay basta't sama-sama
Kayang- kaya, oh
Kayang-kaya
Kayang-kaya, oh
Kayang-kaya
Gaano pa man kabigat ang ulan
Tayo ay makakaahon
At gaano pa man kalayo ang pampang
Tayo'y makadadaong
Hindi titigil ang daigdig sa paggalaw
At may pag-asa pa
Kaya't 'wag kang bibitaw
Whoa-oh, ngunit lahat nang 'to ay malalampasan
Whoa-oh, hindi Niya tayo iiwan
'Wag nang malulumbay, itong pagsubok ay sadyang kayang-kaya
'Di man hawak-kamay, ang puso natin ay laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo, manalangin at 'wag susuko
Tayo ay magtatagumpay basta't sama-sama
Unti-unti man sa paghakbang
Ito'y ating malalampasan
Kaya sige lang, sige lang sa paghakbang
Ang bagong bukas ay nag-aabang
Mahirap talagang mabuhay dito sa mundo
'Wag kang magalit, nagsasabi lang ako ng totoo
Marami nang nasira at tila hindi na mabuo
Pero magugulat silang lahat kasi alam ko, malalampasan mo pa 'to
Pilipino ako, kakaiba 'to, marami na 'kong sinalong binato
Mga pangit na nakaraang dinaanan, ngayon ay nginingitian ko
'Pag merong problemang tumira at hindi na masalag 'to
Pinipikit ko ang mga mata, yumuyuko, dinadasalan ko
Uh, tagumpay ang hatid 'pag sama-sama
Tayong nagkasundong hindi magsama-sama
Pansamantala lamang 'to, gano'n naman palagi
Ngayon ay lumalaban, bukas tayo'y babawi
Umaga o tanghali o hapon o gabi
Sana'y pag-asa lagi ang mangibabaw
'Wag mag-alala kung nahihirapan ka ngayon, kasi
Darating naman ang madaling araw, araw
Whoa-oh, ngunit lahat nang 'to ay malalampasan
Whoa-oh, hindi Niya tayo iiwan
'Wag nang malulumbay, itong pagsubok ay sadyang kayang-kaya
'Di man hawak-kamay, ang puso natin ay laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo, (dulo) manalangin at 'wag susuko ('wag susuko)
Tayo ay magtatagumpay basta't sama-sama
Kayang-kaya, oh (kayang-kaya)
Kayang-kaya (kaya natin 'to)
Kayang-kaya, oh (kayang-kaya)
Kayang-kaya
Kayang-kay,a oh (kayang-kaya)
Kayang-kaya
Kayang-kaya, oh (kayang-kaya)
Kayang-kaya