歌词
Ako'y walang saysay
Akala ko ako ay tunay
Pilit na nilalakbay, ang aking buhay
Ngunit nag-iingay
Ang aking kahapon
Paulit-ulit bumabalik
Nakikitang sarili, lumalangy ngunit sa putik
Ngunit iba ka, pano mo ko nakita.
Pinulot mo ako, Nung akala kong ako'y nag-iisa,
Kulang pa ang tinig ko, para awitan at purihan ka
PANGINOON
Ngayon alam ko na,
Ang ibig sabihin ng mabuhay
Ngayong kapiling ka,
Hinding hindi na mag-iisa
Dahil ikaw ang liwanag,
Sa gabi tuwing ako'y tumatangis
At ikaw ang umaga,
Sa pagmulat ko'y nakangiti
Ako'y nasasabik, sa iyong pagbabalik...
Kulang ba kahit ibigay ko ang lahat
Maging ang buhay ko'y hindi pa sapat
Ngunit hayaan mong ibigay kong lahat
Nang ang puso ko sayo'y maging tapat oh.
PANGINOON
Pinulot mo ako, Nung akala kong ako'y nag-iisa,
Kulang pa ang tinig ko, para awitan at purihan ka PANGINOON