歌词
Ikaw at ako, pinagtagpo
Nag-usap ang ating puso
Nagkasundong magsama habang-buhay
♪
Nagsumpaan sa Maykapal
Walang iwanan, tag-init o tag-ulan
Haharapin bawat unos na magdaan
Sana'y 'di magmaliw ang pagtingin
Kay daling sabihin, kay hirap gawin
Sa mundong walang katiyakan
♪
Sabay natin gawing kahapon ang bukas
♪
Ikaw at ako, pinag-isa
Tayong dal'wa, may kanya-kanya
Sa isa't-isa, tayo ay sumasandal
♪
Bawat hangad, kayang abutin
Sa pangamba'y 'di paaalipin
Basta't ikaw, ako, tayo magpakailanman
Kung minsan ay 'di ko nababanggit
Pag-ibig ko'y 'di masukat ng ano mang lambing
At kung magkamali akong ika'y saktan
♪
Puso mo ba'y handang magpatawad
♪
'Di ko alam ang gagawin kung mawala ka
Buhay ko'y may kahulugan tuwing ako'y iyong hagkan
Umabot man sa 'ting huling hantungan
♪
Kapit-puso kitang hahayaan
Ngayon at kailanman
♪
Ikaw at ako