歌曲 / 歌词

Malamig

Listen on Apple Music

歌词

Habang lahat ay nag-aabang ng ilaw
Unti-unti akong giniginaw
Dahil wala ka na
Habang lahat ay nagbibilang ng araw
Unti-unti akong nangungulila
Dahil wala ka na
Pinupuno ng awit ang lansangan
Lahat ay nagtatawanan
Mga parol, nagkikislapan
Pa'no ako?
Palamig nang palamig ang hangin
Palapit nang palapit sa akin
Nagbabalot ng regalo para sa aking sarili
Wala naman akong pagbibigyan
Dahil wala ka na
Pinupuno ng awit ang lansangan
Lahat ay nagtatawanan
Mga parol, nagkikislapan
Pa'no ako?
Palamig nang palamig ang hangin
Palapit nang palapit sa akin
Siguro nga hindi ka na darating
Palamig nang palamig
Palapit nang palapit
Palamig nang palamig
Palapit nang palapit