歌词
Alam kong ako 'yung lumayo
Walang karapatang magreklamo
Ngunit bumabalik pa rin
Ang nakaraang parang kahapon
Paumanhin
'Di ko sinadya
Na lumisan na lang
Kung papayagan mong tayo'y bumalik
Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
"Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin"
♪
Alam kong nagkulang sa iyo
Sana patawarin kung natakot
Paano magpakalayo?
Kung ang pag-ibig ko'y 'di maitago
Paumanhin (paumanhin)
'Di ko magawang ('di magawang)
Kalimutan na lang
Kung papayagan mong tayo'y bumalik
Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
"Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin"
Kita ko pa sa 'yong mga mata
May pag-asa pa tayong dalawa
At kung sa huli, 'di rin mabalik
Patawarin sana
Kung papayagan mong ikaw ay mahalin
Mula sa tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
"Lumisan ang lahat, ikaw pa rin
Kahit sa paalam, ikaw pa rin"