歌词
Bato, Buto
Nagkalat sa libingang ito
Hinayaang mamatay ang pangarap
Kasamang naglaho
Whoa-whoa-oh, (kaya pa ba?)
Whoa-whoa-oh, (ewan ko na)
Whoa-whoa-oh, hindi na nga yata
Sakit, sugat ang inabot
Ula'y batong nahuhulog
Kasing tigas ng puso mong
Hindi na yata lalambot
Dumi't putik sa matang pikit
Kumunoy pa yatang sasagip
Bato, gunting, papel
Talo pa rin
Whoa-whoa-oh
Whoa-whoa-oh
Whoa-whoa-oh
Naglalaro lang nu'ng una
Kumakanta sa eskinita
Layon ay ang bituing
Kumikislap sa 'king mata
Natuto rin na magsulat
Ng mga kwento't mga tula
Nangangarap na matulad sa tinitingala
Unit maraming kontrabida
Dito sa pelikula
Oh, kailan 'to matatapos?
Simula pa lang pala
Walang hanggang palugit
Oh, kay lupit
Kakambal nga ba ang malas?
Papatalo ba't malilibing?
Whoa-whoa-oh, (kaya pa ba?)
Whoa-whoa-oh, (ewan ko na)
Whoa-whoa-oh, hindi na nga yata
Sakit, sugat ang inabot
Ula'y batong nahuhulog
Kasing tigas ng puso mong
Hindi na yata lalambot
Dumi't putik sa matang pikit
Kumunoy pa yatang sasagip
Bato, gunting, papel
Talo pa rin
Whoa-whoa-oh, (kaya pa ba?)
Whoa-whoa-oh, (ewan ko na)
Whoa-whoa-oh, hindi na nga yata
Ilang taon ang paghihirap mo?
Oh, kaibigan ko
Kinakalyong mga kamay
Handa na bang sumuko?
Nasa'n ang nagsabing sasamahan ka sa dulo?
Ba't mo pa itutuloy kung wala nang nagbabago?
Banat naman ni idol maghintay-hintay lang
Sipag, tyaga, diskarte lang daw ang puhunan d'yan
Huwag lang maiinip at t'yak may darating
Sana'y abutin pa'ng nasa wisyo at gising
Bato, Buto
Nagkalat sa libingang ito