歌曲 / 歌词

Buloy

Listen on Apple Music

歌词

Hoy-hoy, Buloy
Naalala mo pa ba nu'ng tayo'y nagsasama?
Hoy-hoy, Buloy
Naalala mo pa ba ang iyong mga sinabi
Nu'ng ako'y may problema?
Sabi mo, "Lahat ng problema'y kayang lampasan
Basta't tayo'y nagsasama at nag-iinuman"
♪
Hoy-hoy, Buloy
Naalala mo pa ba nu'ng ako ay ma-kickout
Kasi daw ako'y tanga? (tanga)
Hoy-hoy, Buloy
Naalala mo pa ba nu'ng ako ay napalayas ng aking ama't ina?
Mangiyak-ngiyak na 'ko pero sabi mo ay, "Okay lang yan
Basta't tayo'y nagsasama at mag-iinuman"
Kaya naman ako bilib sa iyo
Kasi parang napakatibay mo
Lahat ng iharang ay kaya mong daanan
Basta't mayro'ng bentang alak
Do'n sa may tindahan
♪
Hoy-hoy, Buloy
Naalala mo pa ba nu'ng araw na nadedo
Ang aso mong si Morlock?
Hoy-hoy, Buloy
Naalala mo pa ba nu'ng ika'y tumawag sa 'min
At ika'y umiiyak?
Tapos, pagkatapos no'n, kay tagal mong nawala
Nagulat na lang ako nu'ng narinig ko ang balita
Akala ko pa naman na marunong kang magdala
Nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na
Hoy Buloy, nasaan ka man
Siguradong kawawa ka, malamang walang alak d'yan
Hoy Buloy, nasaan ka man
Siguradong hindi ka namin malilimutan
Hoy Buloy, Buloy, Buloy
Hoy Buloy, Buloy, Buloy
Hoy-hoy, Buloy
Para bang nalimot mo na
Ang iyong mga sinabi
Nu'ng ikaw ay buhay pa