歌曲 / 歌词

Isang Buong Araw Kasama Ka

Listen on Apple Music

歌词

Magandang umaga sa iyo mahal
Pasensya na at ginisig ka
Upang mag almusal
Sinalin na ang gatas
May nilutong sinangag
At paborito mong tuyo
Itinambal ko sa puso ko
Umiibig sa iyo
Oohhh.
Pagkatapos mong kumain
Hali ka't mamasyal
Sa lawa kung saan tayo'y nagpapalitan ng pangarap sa isa't isa
Ooohhh.
Ito ang dalangin ko
Ang mabuhay kasama mo
Walang yaman ang makakatapat sa ligayang dulot mo
Sa puso ko
Sa puso ko
Lumipas na ang oras
Tara na't umuwi
Ayokong malipasan ka
Kaya't ako'y nagmamadali
Anong ulam ang nais mo
Malugod kong didinggin
Ayokong mapagod ka
Gusto kong ikaw ang reyna sa ating mundo
Ooohhh.
Ito ang dalangin ko
Ang mabuhay kasama mo
Walang yaman ang makakatapat sa ligayang dulot mo
Sa puso ko
Sa puso ko
Wala nang iba
Wala nang iba
Ito ang dalangin ko
Ang mabuhay kasama mo
Walang yaman ang makakatapat sa ligayang dulot mo
Sa puso ko
Sa puso ko
Ulitin man ang panahon
Ikaw parin ang pipiliin ko
Lumabo man ang paningin
Ikaw lang ang nagiisang malinaw sa akin